|
Friday, January 02, 2004 pwede nang maging lord of the rings museum ang apartment ko.. napakadami kasi naming miniature toys ngayon sa bahay. meron na kaming saruman, sauron, mga maliliit na orcs, at ang cave troll (na binili ko kapalit ng ringwraith ko na binigay ko sa isang christmas party game). pero heto ang catch, ngayon lang, binigyan ako ng officemate ko (si May delos Santos!) ng isang 8-inch aragorn miniature doll!! sobrang saya ko talaga kanina sa opisina. sabi nga ng mga kasama ko, para akong bata. pero talagang napakasaya ko. naging goal ko ngayon for this year: ang mangolekta ng mga LOTR toys. pero ang ultimate dream ko sa LOTR: ang makabili ng anduril o shards of narsil! nakita ko sa internet, almost 20T. hay. pag-iipunan ko iyun... kahit na mahal gusto ko talaga bumili. pati iyung elven leaf ring. 7T naman iyun. grabe. looks like i'm turning into a LOTR freak... darn, ang gastos!
posted by topeps, 01/02/04 17:18 | link | comments (8) Tuesday, December 30, 2003 hmm... paano ko ba sisimulan ito... actually, itong bakasyon na ito, ang plano ko talaga, magko-contemplate sa buhay ko, sa gusto kong tahaking landas... alam nyo iyun, spend time sa isang lugar na malayo sa maynila.pero hindi iyun kailanman nangyari, kasi alam nyo, sinagot agad ng Diyos ang mga nasa isip ko sa isang araw lang...
nagsimba kami ni moks sa CCF (sa likod ng megamall) tapos iyung message Niya (thru pastor nathan na sobrang magaling na pastor) feeling ko para talaga sa akin lang. kasi tungkol iyun sa direksyon na gusto mong tahakin sa buhay mo... kasi nga di ba, sabi ako ng sabi na ayaw ko na, pagod na ako... pero alam nyo ang sinabi ni Lord sa akin? STAY. DON'T QUIT.
sabi kasi ni pastor nathan, may five principles to follow:
1. you should not give conditions kay God.
2. be honest with God sa nararamdaman mo.
3.be open to other options.
4. (i forgot)
5. (di na namin talaga maalala ni moks...sorry)
basta iyung point na nai-raise sa akin... sa number one... kung hihingi man ako ng bagong trabaho, hindi ako pwedeng magbigay ng kundisyon... kasi naiisip ko iyun eh... parang sinasabi ko kay God: "Lord, kung may 8-5 job na trabaho ako, sigurado akong magkakaroon ako ng time para sa iyo..." pero sabi ni pastor nathan, di natin siya dapat bigyan ng kundisyon sa mga gusto nating mangyari sa buhay natin... tapos sabi niya, sabihin natin kay God iyung talagang nararamdaman natin sa buhay natin. sabihin ko kay God na "Lord, nahihirapan ako sa trabaho ko... na ayoko na. na madami akong gustong gawin na hindi ko magawa dahil sa uri ng trabaho ko..." at pagkatapos nun, maging open ako sa options ng Panginoon. kasi sabi nga ni moks, nagma-matter iyung trabaho ko, kung iiwan ko lang siya bigla, eh di parang tinanggal ko sa sarili ko iyung blessings na inihanda ni God for me kasi bigla na lang akong magde-decide na ayaw ko na. (pasensya na kung magulo ako magkwento)
may plano ang Panginoon sa akin kaya ako nandito sa production work... i am glad na si shey, nakita na niya iyung purpose niya kung bakit sa production siya nakalagay. feeling ko din ganun ang purpose ko... pero di ko pa iyun matanggap kasi napapagod pa din ako sa work... pero na-realize ko din, hindi rin kasi ako humihingin ng pahinga kay God (unlike dati nung nasa 5 and Up pa ako) at tsaka at least ngayon, alam na ni God na ganun iyung feeling ko sa trabaho. ang gagawin ko lang ngayon, eh magtiis muna, kasi alam ko din naman na darating iyung panahon na magkakaroon na ako ng oras para sa sarili ko... mas malaki pa ang sahod ko nun for sure. basta ngayon, sundin ko lang si God. kahit ayaw ko na, sundin pa rin Siya. eh Diyos siya eh, ano ba magagawa ko dun (hindi naman sa nambabastos po, Lord...) pero iyun nga, will Niya pa rin talaga ang masusunod. at sigurado namang maganda ang kalalabasan nung will Niyang iyun.
so ang point nito, sa mga gustong mag-production work at sa mga taong nasa production work, malking responsibilidad ang iniatang ng Diyos sa atin. be ready to follow. iyun lang iyun. sunod lang tayo. may maganda ring kalalabasan ang mga pagod natin.
posted by topeps, 12/30/03 21:07 | link | comments (5) Tuesday, December 09, 2003 nakakatawa... dahil sa uso ngayon ang friendster, may kumpetisyon ngayon dito sa office... kung sino ang may pinakamadaming friend sa friendster... and yes, isa ako sa mga leading! hehe. pero nakakatuwa din ang friendster... kasi nari-realize mo, ang dami mo na palang kakilala... dami mo na palang kaibigan... pero as usual, di ko kina-career ang friendster... parang ang OA eh... hehe.
posted by topeps, 12/09/03 20:13 | link | comments (3) Tuesday, December 02, 2003 pagod na yata ako sa trabaho ko... parang feeling ko hindi yata ako pang-production work... hay. ngayon ko lang naramdaman iyung sobrang pag-ayaw sa trabaho... sa tuwing umuuwi ako sa apartment, nakikita ko iyung housemate ko, nakakatulog ng maayos, di kinakailangang gumising sa napaka-agang calltime, de oras ang trabaho... pero halos pareho lang kami ng sahod. anak ng tokwang buhay ito. palagi akong puyat, palagi akong pagod, tapos wala talagang oras ang trabaho ko. bwiset talaga. nagsasawa na ako sa ganitong buhay. gusto ko na ng simpleng buhay. gusto ko na ng panahon para sa sarili ko. gusto kong trabahong normal. kasi naiisip ko, pareho lang ang sinasahod namin ng mga kasama ko sa bahay pero iyung buhay ko, ibang-iba. bad trip talaga... pero sigurado namang kapag umalis ako sa ganitong trabaho, sobrang mami-miss ko ito... di ko na talaga alam...di ko maintindihan ang sarili ko... di ko alam kung iyung tipo ng show ang inaayawan ko o iyung mismong ganitong trabaho... bwiset talaga. ano bang gusto ko sa buhay ko? ano bang gusto ni God sa buhay ko? hay...
kailan kaya ako magkaka-girlfriend?
posted by topeps, 12/02/03 21:27 | link | comments (6) Thursday, November 27, 2003 may kwento ako tungkol sa mga langgam...
di ba ang mga langgam mahilig sa asukal? may nakalat lang na butil ng asukal, andyan na sila at nagkakandarapa sa pagkuha at pagkain nito... heto ang kwento...
sa isang grocery store, sa sugar section nito, may nakatirang isang langgam. andun siya sa section ng muscovado, iyung asukal na masarap at masustansya, medyo mahal siya pero sigurado namang sulit ka sa tamis na bigay nito, dun nakalagay iyung garapon ng asukal na muscovado na tinitirhan niya. bukas iyung garapon dahil tinatakal lang ito.araw-araw, ito iyung kinakain niya kasi alam niya masarap iyung asukal na iyun... pero may mga pagkakataong napapatingin siya dun sa mga garapon ng puting asukal... sa tingin niya kasi, nakaka-engganyo iyung puting asukal, parang ang sarap tikman... pero alam naman niyang mas masarap at mas masustansya iyung muscovado... araw-araw, sa tuwing kukuha siya ng butil ng muscovado, di niya mapigilang tignan ang puting asukal, kasi naman, magkatabi lang ang garapon ng muscovado at puting asukal... so magkasama niya itong nakikita.
dumating ang panahon na nagsawa siya sa muscovado. parang sabi niya sa sarili niya, gusto ko namang tikman ang puting asukal... gusto ko ng bagong pagkain, ayoko na nitong muscovado...nakakasawa na... para kasing mas masarap iyung puting asukal. nang minsan may makita siyang butil ng puting asukal, mabilis niya itong kinuha at tinikman... sa unang tikim pa lang niya, sarap na sarap siya! bagong lasa! agad siyang nag-desisyon, gusto na niya ng puting asukal! ayaw na niya ng muscovado! agad siyang umalis sa garapon ng muscovado, kasi alam niya naman, pwede siyang bumalik dito dahil iniiwan namang nakabukas iyung garapon nito... sinimulan na niyang maglakad patungo sa puting asukal... sa daan, nakikita niya ang mga butil ng muscovado na nakakalat... para bang hinihikayat siyang bumalik sa garapon ng muscovado... pero tuloy pa rin siya sa paglalakad... noong una, di niya pinapansin iyung mga butil ng muscovado, pero dahil sa gutom na rin sa paglalakad, di niya matiis na kumuha at kumain ng mga butil nito... ayos pa din naman daw ang lasa nito, pero sa kabila nito, gusto pa rin nitong dumiretso sa garapon ng puting asukal... kaya't tuloy pa rin siyang naglakad...
pagdating sa garapon ng puting asukal, hawak-hawak pa din ang mga butil ng muscovado, agad niyang inakyat ito... tuloy pa din siya sa pagkain ng muscovado, naisip niya, itatapon na niya lang ito pagdating niya sa tuktok ng garapon dahil sigurado namang may makakain siyang puting asukal... pero mataas ang garapon at unti-unti siyang napagod, kaya't kumain siya ng muscovado habang umaakyat para maibsan ang gutom niya at mapalitan ang lakas na inuubos niya sa pag-akyat. pero laking gulat niya pagdating niya sa tuktok ng garapon! sarado ang garapon ng puting asukal! laking panlulumo ang naramdaman niya... pero di siya nawalan ng pag-asa. tinapon niya ang muscovado at sinubukan niyang buksan ang takip ng garapon... pero hindi niya ito mabuksan. may nakita siya ilang pakalat-kalat na butil ng puting asukal. agad niya itong kinuha at kinain, pero madali rin itong naubos. lungkot na lungkot siya sa nangyari. akala niya, makakakain na siya ng puting asukal, pero hanggang tikim lang pala siya...
napatingin siya sa garapon ng muscovado. sa malayo pa lang, nakita na niyang bukas pa din ang garapon nito, waring naghihintay sa kanyang bumalik... walang nagawa ang langgam kundi ang bumaba ng garapon at bumalik sa garapon ng muscovado. habang lumalakad siya palayo sa puting asukal, di niya maiwasan ang tumingin pa din dito... naisip niya, hanggang pagnanasa lang ang magagawa niya sa puting asukal... di niya ito makakain ng lubusan dahil may takip ang garapon nito... napagtanto niya na hindi niya kayang buksan ang garapon ng puting asukal... hanggang tingin lang siya dito, kaya't muli niyang inakyat ang garapon ng muscovado at kinain ang masustansyang laman nito...
ayos ba sa kwento?hehe. la lang, naisip ko lang yan out of the blue. kayo na ang bahalang gumawa ng meaning.
posted by topeps, 11/27/03 20:09 | link | comments (3) may kwento ako tungkol sa mga langgam...

posted by topeps, 11/27/03 20:09 | link | comments Thursday, November 20, 2003 ang tagal ko na ding hindi nagsusulat dito ah...hmmm... ano ba pwede kong isulat ngayon? tinatamad ako. sulat ko muna sa word tapos ipo-post ko dito. babay na muna.
posted by topeps, 11/20/03 20:33 | link | comments Saturday, November 08, 2003 kakatapos ko lang magtrabaho... bukas may pasok na naman ako. aalis ako ng 330AM, so dapat by 230AM gising na ako... out of town kasi kaya ang aga ng calltime ko. hay. tinatamad akong magtrabaho! pero kailangan, kasi ang dami kong dapat suportahan, ang dami ko dapat bayaran... hay, minsan naiisip ko, bakit ba natin kailangang magtrabaho? bakit ba kailangan nating maghirap pa para lang magkapera? bakit ba ipinanganak akong mahirap... pero alam ko namang kasalanan din nating mga tao... kasi nga di ba, si adan at eba (adan at eba, hindi eba lang) nagkasala kay God... kaya ayun pinalayas tayo sa Hardin ng Eden at pinagtrabaho... ang sarap na sana ng buhay natin ano... pero talagang ganun ang buhay. wala ka namang magagawa dun eh. minsan lang kasi talagang nakakapagod na magtrabaho. kasi ang dami-dami kong gustong gawin, gusto kong magturo, gusto ko pang mag-aral, gusto kong mag-travel, pero di ko iyun magawa kasi iyun nga, nagtatrabaho ako. kakalungkot lang na madaming mayayaman ngayon (hindi lahat ha) ang walang pakialam sa mga ginagastos nilang pera sa pag-aaral, iyun bang hindi seryoso, parang okay lang ke bumagsak sila o hindi. kasi ang dami-daming tao ang gustong mag-aral pero hindi nila magawa dahil nga sa kahirapan. hay... tapos ang gulo-gulo pa ng gobyerno. kaliwa't kanan ang rebelyon, kaliwa't kanan ang pamumulitika... para bang naiisip ko, may pag-asa pa ba Pilipinas? minsan talaga pumapasok na sa isip ko ang mag-migrate, kaya lang, mahal ko ang bansa eh. parang ayokong iwan ang responsibilidad ko bilang Pinoy... di ko naman sinasabing iyung mga nag-abroad eh walang pakialam sa bansa natin. pero kasi, maayos na naman ang trabaho ko dito, tapos aalis ako para lang takasan iyung miserableng sitwasyon ng buhay natin dito? kasi naniniwala pa rin naman ako na kahit na ang gulo-gulo dito sa Pilipinas, alam kong darating din ang panahon na magiging maayos din lahat. Basta gawin lang natin iyung part natin bilang Pinoy, kesyo janitor ka o reporter. sabi nga di ba, sa maliit nagsisimula ang malaki (parang ang labo ah...), ah basta, iyun na iyun. basta gawin mo lang ang trabaho mo ng maayos, ng tapat sa sarili mo, ayos na iyun... makakadagdag na iyun sa pagpapabuti ng mundong ginagalawan mo... dahil kung makikita iyun ng mga kasamahan mo, magiging impluwensya ka para sa kanila na gawin din ng maayos ang mga trabaho nila. :)
posted by topeps, 11/08/03 16:04 | link | comments (2) Friday, November 07, 2003 isang istorya ko na naman ang natapos. panibagong linggo na naman ang haharapin ko, panibagong hirap na naman... although di masyadong mahirap istorya ko for next week... nagkaroon lang ako ng maraming mga iniisip ngayon... kasi nagkaroon kami ng konting kwentuhan ng mga bosing ko sa trabaho, mga matagal na sa industriya... tapos parang ako, iniisip ko, tatagal din kaya ako sa trabahong ganito? kasi, parang ang dami ko pang gustong gawin. parang ngayon, ayoko yatang tumagal sa ganitong trabaho... ewan ko. pero tulad nga ng sinabi ko, mami-miss ko sobra iyung ganitong lifestyle. hay. hindi naman ako pagod ngayon para maglabas ng mga angst ko sa trabaho, pero parang nagda-dalawang isip na ako... definitely next year, mag-a-apply na ako ng scholarship, mag-aaral na ako sa abroad by 2005, tapos after two years, babalik ako sa pilipinas. di ko lang alam kung sa ganitong trabaho pa din ako babagsak... hay. ayokong mag-isip...pero di ko matigilan ang mag-isip sa mga gusto kong gawin sa buhay ko... pero siyempre, di ko naman masusunod lahat ng gusto ko. nakadepende pa rin ang buhay ko sa gustong gawin ng Panginoon dito.
speaking of God, napag-usapan din namin Siya kagabi... kasi may mga kasamahan akong agnostic at atheist... ako lang iyung talagang naniniwala ng husto kay God... parang sinabi ko sa kanila, I also question God, His existence, yet I always go back to believing that He is true in my life, and that He loves me so much that He has already forgiven my sins from the past and future. Sabi nila, it's comforting to know that You have a fallback when you are depressed, pero na-realize ko na hindi ko lang naman Siya nilalapitan tuwing depressed ako, kasi pati sa happy moments ko, Siya pa din ang iniisip kong pinagmumulan nun... Na-realize ko, na faith lang talaga, the faith to believe, iyun ang pinanghahawakan ko ngayon...
Ephesians 2:8 "For it is by grace that you have been saved through faith, not by works- it is a gift a gift from God - so no one can boast."
kahit na ano pa sabihin sa akin, kahit ano pa ang gustong isipin tungkol sa akin, kahit na sangkatutak ang mga tanong sa isipan ko, naniniwala pa rin ako sa Kanya... kasi kung hindi dahil sa Kanya, wala ako sa kinalalagyan ko, at wala akong dahilan para mabuhay sa mundong ito.
posted by topeps, 11/07/03 13:13 | link | comments (1) Tuesday, November 04, 2003 pagkatapos ng dalawang araw (lang!) na pagshu-shoot, naisulat ko na ang script ko... walang masyadong corrections... okay naman lumabas... sana lang pati iyung video maganda. hay. nakakapagod. dalawang araw lang akong nagshoot, ngarag talaga. pero okay na naman ito actually... dati nga araw mismo ng airing, nagshu-shoot pa ako, at out of town pa! mantakin mo iyun, kung paano ko nalagpasan iyung mga ganung hirap. pero okay lang, kasi feeeling ko kapag pumasok ako sa opisina, iyung normal na trabaho, mami-miss ko sobra iyung ganitong lifestyle. hay. pero minsan mapapagod ka din. parang m,abu-burn out ka sa sobrang pagod. dami-dami mo kasing kailangang gawin, palipat-lipat ka pa ng lugar, tapos diretso sulat, diretso puyat para mag-edit... hay!!! minsan di ko talaga alam kung ito ang direksyon ng buhay na inilaan sa akin ng Diyos... pero sabi nga di ba, kung saan ka nilagay, dun ka lalago. hirap nga lang nito talagang wala na akong social life... kasi iyung igi-gimik mo, eh itutulog mo na lang para makabawi ka sa pagod. hay. what a life. so, in short, parehong boring at exciting ang buhay ko. exciting dahil kung saan saan ako nakakapunta, boring dahil wala akong buhay. oh well, life goes on... dito ako napunta eh, so kailangan akong magtiis... dahil alam kong sa kabila ng lahat ng pagod ko, masaya pa din ako sa trabaho ko... :)
posted by topeps, 11/04/03 22:15 | link | comments (6) |