|
Thursday, November 27, 2003 may kwento ako tungkol sa mga langgam...
di ba ang mga langgam mahilig sa asukal? may nakalat lang na butil ng asukal, andyan na sila at nagkakandarapa sa pagkuha at pagkain nito... heto ang kwento...
sa isang grocery store, sa sugar section nito, may nakatirang isang langgam. andun siya sa section ng muscovado, iyung asukal na masarap at masustansya, medyo mahal siya pero sigurado namang sulit ka sa tamis na bigay nito, dun nakalagay iyung garapon ng asukal na muscovado na tinitirhan niya. bukas iyung garapon dahil tinatakal lang ito.araw-araw, ito iyung kinakain niya kasi alam niya masarap iyung asukal na iyun... pero may mga pagkakataong napapatingin siya dun sa mga garapon ng puting asukal... sa tingin niya kasi, nakaka-engganyo iyung puting asukal, parang ang sarap tikman... pero alam naman niyang mas masarap at mas masustansya iyung muscovado... araw-araw, sa tuwing kukuha siya ng butil ng muscovado, di niya mapigilang tignan ang puting asukal, kasi naman, magkatabi lang ang garapon ng muscovado at puting asukal... so magkasama niya itong nakikita.
dumating ang panahon na nagsawa siya sa muscovado. parang sabi niya sa sarili niya, gusto ko namang tikman ang puting asukal... gusto ko ng bagong pagkain, ayoko na nitong muscovado...nakakasawa na... para kasing mas masarap iyung puting asukal. nang minsan may makita siyang butil ng puting asukal, mabilis niya itong kinuha at tinikman... sa unang tikim pa lang niya, sarap na sarap siya! bagong lasa! agad siyang nag-desisyon, gusto na niya ng puting asukal! ayaw na niya ng muscovado! agad siyang umalis sa garapon ng muscovado, kasi alam niya naman, pwede siyang bumalik dito dahil iniiwan namang nakabukas iyung garapon nito... sinimulan na niyang maglakad patungo sa puting asukal... sa daan, nakikita niya ang mga butil ng muscovado na nakakalat... para bang hinihikayat siyang bumalik sa garapon ng muscovado... pero tuloy pa rin siya sa paglalakad... noong una, di niya pinapansin iyung mga butil ng muscovado, pero dahil sa gutom na rin sa paglalakad, di niya matiis na kumuha at kumain ng mga butil nito... ayos pa din naman daw ang lasa nito, pero sa kabila nito, gusto pa rin nitong dumiretso sa garapon ng puting asukal... kaya't tuloy pa rin siyang naglakad...
pagdating sa garapon ng puting asukal, hawak-hawak pa din ang mga butil ng muscovado, agad niyang inakyat ito... tuloy pa din siya sa pagkain ng muscovado, naisip niya, itatapon na niya lang ito pagdating niya sa tuktok ng garapon dahil sigurado namang may makakain siyang puting asukal... pero mataas ang garapon at unti-unti siyang napagod, kaya't kumain siya ng muscovado habang umaakyat para maibsan ang gutom niya at mapalitan ang lakas na inuubos niya sa pag-akyat. pero laking gulat niya pagdating niya sa tuktok ng garapon! sarado ang garapon ng puting asukal! laking panlulumo ang naramdaman niya... pero di siya nawalan ng pag-asa. tinapon niya ang muscovado at sinubukan niyang buksan ang takip ng garapon... pero hindi niya ito mabuksan. may nakita siya ilang pakalat-kalat na butil ng puting asukal. agad niya itong kinuha at kinain, pero madali rin itong naubos. lungkot na lungkot siya sa nangyari. akala niya, makakakain na siya ng puting asukal, pero hanggang tikim lang pala siya...
napatingin siya sa garapon ng muscovado. sa malayo pa lang, nakita na niyang bukas pa din ang garapon nito, waring naghihintay sa kanyang bumalik... walang nagawa ang langgam kundi ang bumaba ng garapon at bumalik sa garapon ng muscovado. habang lumalakad siya palayo sa puting asukal, di niya maiwasan ang tumingin pa din dito... naisip niya, hanggang pagnanasa lang ang magagawa niya sa puting asukal... di niya ito makakain ng lubusan dahil may takip ang garapon nito... napagtanto niya na hindi niya kayang buksan ang garapon ng puting asukal... hanggang tingin lang siya dito, kaya't muli niyang inakyat ang garapon ng muscovado at kinain ang masustansyang laman nito...
ayos ba sa kwento?hehe. la lang, naisip ko lang yan out of the blue. kayo na ang bahalang gumawa ng meaning.
posted by topeps, 11/27/03 20:09 | link | comments (3) may kwento ako tungkol sa mga langgam...

posted by topeps, 11/27/03 20:09 | link | comments Thursday, November 20, 2003 ang tagal ko na ding hindi nagsusulat dito ah...hmmm... ano ba pwede kong isulat ngayon? tinatamad ako. sulat ko muna sa word tapos ipo-post ko dito. babay na muna.
posted by topeps, 11/20/03 20:33 | link | comments Saturday, November 08, 2003 kakatapos ko lang magtrabaho... bukas may pasok na naman ako. aalis ako ng 330AM, so dapat by 230AM gising na ako... out of town kasi kaya ang aga ng calltime ko. hay. tinatamad akong magtrabaho! pero kailangan, kasi ang dami kong dapat suportahan, ang dami ko dapat bayaran... hay, minsan naiisip ko, bakit ba natin kailangang magtrabaho? bakit ba kailangan nating maghirap pa para lang magkapera? bakit ba ipinanganak akong mahirap... pero alam ko namang kasalanan din nating mga tao... kasi nga di ba, si adan at eba (adan at eba, hindi eba lang) nagkasala kay God... kaya ayun pinalayas tayo sa Hardin ng Eden at pinagtrabaho... ang sarap na sana ng buhay natin ano... pero talagang ganun ang buhay. wala ka namang magagawa dun eh. minsan lang kasi talagang nakakapagod na magtrabaho. kasi ang dami-dami kong gustong gawin, gusto kong magturo, gusto ko pang mag-aral, gusto kong mag-travel, pero di ko iyun magawa kasi iyun nga, nagtatrabaho ako. kakalungkot lang na madaming mayayaman ngayon (hindi lahat ha) ang walang pakialam sa mga ginagastos nilang pera sa pag-aaral, iyun bang hindi seryoso, parang okay lang ke bumagsak sila o hindi. kasi ang dami-daming tao ang gustong mag-aral pero hindi nila magawa dahil nga sa kahirapan. hay... tapos ang gulo-gulo pa ng gobyerno. kaliwa't kanan ang rebelyon, kaliwa't kanan ang pamumulitika... para bang naiisip ko, may pag-asa pa ba Pilipinas? minsan talaga pumapasok na sa isip ko ang mag-migrate, kaya lang, mahal ko ang bansa eh. parang ayokong iwan ang responsibilidad ko bilang Pinoy... di ko naman sinasabing iyung mga nag-abroad eh walang pakialam sa bansa natin. pero kasi, maayos na naman ang trabaho ko dito, tapos aalis ako para lang takasan iyung miserableng sitwasyon ng buhay natin dito? kasi naniniwala pa rin naman ako na kahit na ang gulo-gulo dito sa Pilipinas, alam kong darating din ang panahon na magiging maayos din lahat. Basta gawin lang natin iyung part natin bilang Pinoy, kesyo janitor ka o reporter. sabi nga di ba, sa maliit nagsisimula ang malaki (parang ang labo ah...), ah basta, iyun na iyun. basta gawin mo lang ang trabaho mo ng maayos, ng tapat sa sarili mo, ayos na iyun... makakadagdag na iyun sa pagpapabuti ng mundong ginagalawan mo... dahil kung makikita iyun ng mga kasamahan mo, magiging impluwensya ka para sa kanila na gawin din ng maayos ang mga trabaho nila. :)
posted by topeps, 11/08/03 16:04 | link | comments (2) Friday, November 07, 2003 isang istorya ko na naman ang natapos. panibagong linggo na naman ang haharapin ko, panibagong hirap na naman... although di masyadong mahirap istorya ko for next week... nagkaroon lang ako ng maraming mga iniisip ngayon... kasi nagkaroon kami ng konting kwentuhan ng mga bosing ko sa trabaho, mga matagal na sa industriya... tapos parang ako, iniisip ko, tatagal din kaya ako sa trabahong ganito? kasi, parang ang dami ko pang gustong gawin. parang ngayon, ayoko yatang tumagal sa ganitong trabaho... ewan ko. pero tulad nga ng sinabi ko, mami-miss ko sobra iyung ganitong lifestyle. hay. hindi naman ako pagod ngayon para maglabas ng mga angst ko sa trabaho, pero parang nagda-dalawang isip na ako... definitely next year, mag-a-apply na ako ng scholarship, mag-aaral na ako sa abroad by 2005, tapos after two years, babalik ako sa pilipinas. di ko lang alam kung sa ganitong trabaho pa din ako babagsak... hay. ayokong mag-isip...pero di ko matigilan ang mag-isip sa mga gusto kong gawin sa buhay ko... pero siyempre, di ko naman masusunod lahat ng gusto ko. nakadepende pa rin ang buhay ko sa gustong gawin ng Panginoon dito.
speaking of God, napag-usapan din namin Siya kagabi... kasi may mga kasamahan akong agnostic at atheist... ako lang iyung talagang naniniwala ng husto kay God... parang sinabi ko sa kanila, I also question God, His existence, yet I always go back to believing that He is true in my life, and that He loves me so much that He has already forgiven my sins from the past and future. Sabi nila, it's comforting to know that You have a fallback when you are depressed, pero na-realize ko na hindi ko lang naman Siya nilalapitan tuwing depressed ako, kasi pati sa happy moments ko, Siya pa din ang iniisip kong pinagmumulan nun... Na-realize ko, na faith lang talaga, the faith to believe, iyun ang pinanghahawakan ko ngayon...
Ephesians 2:8 "For it is by grace that you have been saved through faith, not by works- it is a gift a gift from God - so no one can boast."
kahit na ano pa sabihin sa akin, kahit ano pa ang gustong isipin tungkol sa akin, kahit na sangkatutak ang mga tanong sa isipan ko, naniniwala pa rin ako sa Kanya... kasi kung hindi dahil sa Kanya, wala ako sa kinalalagyan ko, at wala akong dahilan para mabuhay sa mundong ito.
posted by topeps, 11/07/03 13:13 | link | comments (1) Tuesday, November 04, 2003 pagkatapos ng dalawang araw (lang!) na pagshu-shoot, naisulat ko na ang script ko... walang masyadong corrections... okay naman lumabas... sana lang pati iyung video maganda. hay. nakakapagod. dalawang araw lang akong nagshoot, ngarag talaga. pero okay na naman ito actually... dati nga araw mismo ng airing, nagshu-shoot pa ako, at out of town pa! mantakin mo iyun, kung paano ko nalagpasan iyung mga ganung hirap. pero okay lang, kasi feeeling ko kapag pumasok ako sa opisina, iyung normal na trabaho, mami-miss ko sobra iyung ganitong lifestyle. hay. pero minsan mapapagod ka din. parang m,abu-burn out ka sa sobrang pagod. dami-dami mo kasing kailangang gawin, palipat-lipat ka pa ng lugar, tapos diretso sulat, diretso puyat para mag-edit... hay!!! minsan di ko talaga alam kung ito ang direksyon ng buhay na inilaan sa akin ng Diyos... pero sabi nga di ba, kung saan ka nilagay, dun ka lalago. hirap nga lang nito talagang wala na akong social life... kasi iyung igi-gimik mo, eh itutulog mo na lang para makabawi ka sa pagod. hay. what a life. so, in short, parehong boring at exciting ang buhay ko. exciting dahil kung saan saan ako nakakapunta, boring dahil wala akong buhay. oh well, life goes on... dito ako napunta eh, so kailangan akong magtiis... dahil alam kong sa kabila ng lahat ng pagod ko, masaya pa din ako sa trabaho ko... :)
posted by topeps, 11/04/03 22:15 | link | comments (6) Monday, November 03, 2003 hmm... ano nga ba ang pwede kong ikwento ngayon? wala din namang nagbabasa ng blog ko... although may isang naligaw.tinanong ako kung saan ako nagtatrabaho. eh kasi naman, hindi naman talaga ako writer. i mean, writer ako, scriptwriter, pero iyung writer na writer, hindi ako ganun. hindi ako ganun ka-creative... di naman kasi ako mapalabok sa pagsasalita. hindi rin ako magaling sa ingles. kaya nga puro tagalog ang laman ng blog ko eh. ang palagi ko lang isinusulat, iyung tinatawag na stream of consciousness. di kasi ako kumplikado mag-isip. simple lang, tama na ako dun. iniisip ko nga, paano ako sisikat sa buong mundo kung di ako magaling sa ingles? di ata pwede iyun. tsaka paano ako mag-aaply ng scholarship sa ibang bansa, mali-mali ang mga preposition na ginagamit ko! argh. ah, may paraan pa para makapag-abroad ako! magke-caregiver na lang ako... sa canada... yayaman pa ako... pero teka... masscom graduate ako eh. ano alam ko sa pag-aalaga? well, may background ako sa nursing pero, sus, dalawang taon lang iyun, tapos iyung 2nd year ko, puro general subjects na. bagsak-bagsakan pa ako sa mga nursing subjects ko. ayoko pa yatang magpunas ng pupu ng iba. di ba? parang kadiri ata... hmm... di ko alam. ano ba talaga gusto ko? ewan ko. magulo akong mag-isip no? kumplikado...pero teka, sabi ko kanina, di ako kumplikado mag-isip? kumplikado buhay ko, pero pati ba naman isip ko gagawin ko pang kumplikado? tama na iyung buhay na lang. pahinga mo na utak mo sa mga kumplikadong bagay. hindi lahat ng tanong masasagot mo. tama na. shat ap.
posted by topeps, 11/03/03 22:17 | link | comments (9) wala pa din akong istorya para sa miyerkules... lunes na... anong gagawin ko? wala pang kahit anong nangyayaring balita... iyung nakunan ko hindi naman ganun ka-biswal. argh. tapos inaantok pa ako ngayon... hindi kasi ako nakatulog ng maayos nung weekend... nagpuyat ako kaka-chat at kaka-internet. bad trip. bad trip talaga.
pero kahit papaano natuwa naman ako sa linggo ko... nanood kami ng matrix ulit. tapos binaboy namin iyung pelikula. ginawan namin ng mga kaibigan ko ng spoof... haha. nakakatawa talaga. sana maulit muli iyung sandaling iyun.
wala akong magawa kundi ang maghintay ngayon ng istoryang gagawin ko para sa miyerkules. lunes na... tatlumu't tatlong oras at tatlumpung minuto na lang... miyerkules na... waaah! bigyan nyo ako ng istorya!!!
posted by topeps, 11/03/03 14:39 | link | comments (10) Sunday, November 02, 2003 nobyembre 2, 2003
3:50 ng hapon
nandito ako ngayon sa internet cafe... kausap ko si wawel... nagpi-friendster din... at gumagawa ng una kong post sa blog ko... ang sabi ko kay wawel... wala akong panahon para magsulat dito... kasi pagod na ako sa trabaho para magsulat pa dito... pero dahil wala akong trabaho ngayon... heto ako at nagsusulat ng mga nasa isip ko... pero tinatamad na ako... so next time na lang ulit...
|