start your own blog now!
 
Read other blogs...
[mga sulat ni topeps]
><
 


Tuesday, December 30, 2003

hmm... paano ko ba sisimulan ito... actually, itong bakasyon na ito, ang plano ko talaga, magko-contemplate sa buhay ko, sa gusto kong tahaking landas... alam nyo iyun, spend time sa isang lugar na malayo sa maynila.pero hindi iyun kailanman nangyari, kasi alam nyo, sinagot agad ng Diyos ang mga nasa isip ko sa isang araw lang... nagsimba kami ni moks sa CCF (sa likod ng megamall) tapos iyung message Niya (thru pastor nathan na sobrang magaling na pastor) feeling ko para talaga sa akin lang. kasi tungkol iyun sa direksyon na gusto mong tahakin sa buhay mo... kasi nga di ba, sabi ako ng sabi na ayaw ko na, pagod na ako... pero alam nyo ang sinabi ni Lord sa akin? STAY. DON'T QUIT. sabi kasi ni pastor nathan, may five principles to follow: 1. you should not give conditions kay God. 2. be honest with God sa nararamdaman mo. 3.be open to other options. 4. (i forgot) 5. (di na namin talaga maalala ni moks...sorry) basta iyung point na nai-raise sa akin... sa number one... kung hihingi man ako ng bagong trabaho, hindi ako pwedeng magbigay ng kundisyon... kasi naiisip ko iyun eh... parang sinasabi ko kay God: "Lord, kung may 8-5 job na trabaho ako, sigurado akong magkakaroon ako ng time para sa iyo..." pero sabi ni pastor nathan, di natin siya dapat bigyan ng kundisyon sa mga gusto nating mangyari sa buhay natin... tapos sabi niya, sabihin natin kay God iyung talagang nararamdaman natin sa buhay natin. sabihin ko kay God na "Lord, nahihirapan ako sa trabaho ko... na ayoko na. na madami akong gustong gawin na hindi ko magawa dahil sa uri ng trabaho ko..." at pagkatapos nun, maging open ako sa options ng Panginoon. kasi sabi nga ni moks, nagma-matter iyung trabaho ko, kung iiwan ko lang siya bigla, eh di parang tinanggal ko sa sarili ko iyung blessings na inihanda ni God for me kasi bigla na lang akong magde-decide na ayaw ko na. (pasensya na kung magulo ako magkwento) may plano ang Panginoon sa akin kaya ako nandito sa production work... i am glad na si shey, nakita na niya iyung purpose niya kung bakit sa production siya nakalagay. feeling ko din ganun ang purpose ko... pero di ko pa iyun matanggap kasi napapagod pa din ako sa work... pero na-realize ko din, hindi rin kasi ako humihingin ng pahinga kay God (unlike dati nung nasa 5 and Up pa ako) at tsaka at least ngayon, alam na ni God na ganun iyung feeling ko sa trabaho. ang gagawin ko lang ngayon, eh magtiis muna, kasi alam ko din naman na darating iyung panahon na magkakaroon na ako ng oras para sa sarili ko... mas malaki pa ang sahod ko nun for sure. basta ngayon, sundin ko lang si God. kahit ayaw ko na, sundin pa rin Siya. eh Diyos siya eh, ano ba magagawa ko dun (hindi naman sa nambabastos po, Lord...) pero iyun nga, will Niya pa rin talaga ang masusunod. at sigurado namang maganda ang kalalabasan nung will Niyang iyun. so ang point nito, sa mga gustong mag-production work at sa mga taong nasa production work, malking responsibilidad ang iniatang ng Diyos sa atin. be ready to follow. iyun lang iyun. sunod lang tayo. may maganda ring kalalabasan ang mga pagod natin.

posted by topeps, 12/30/03 21:07 | link | comments (5)

Tuesday, December 09, 2003

nakakatawa... dahil sa uso ngayon ang friendster, may kumpetisyon ngayon dito sa office... kung sino ang may pinakamadaming friend sa friendster... and yes, isa ako sa mga leading! hehe. pero nakakatuwa din ang friendster... kasi nari-realize mo, ang dami mo na palang kakilala... dami mo na palang kaibigan... pero as usual, di ko kina-career ang friendster... parang ang OA eh... hehe.

posted by topeps, 12/09/03 20:13 | link | comments (3)

Tuesday, December 02, 2003

pagod na yata ako sa trabaho ko... parang feeling ko hindi yata ako pang-production work... hay. ngayon ko lang naramdaman iyung sobrang pag-ayaw sa trabaho... sa tuwing umuuwi ako sa apartment, nakikita ko iyung housemate ko, nakakatulog ng maayos, di kinakailangang gumising sa napaka-agang calltime, de oras ang trabaho... pero halos pareho lang kami ng sahod. anak ng tokwang buhay ito. palagi akong puyat, palagi akong pagod, tapos wala talagang oras ang trabaho ko. bwiset talaga. nagsasawa na ako sa ganitong buhay. gusto ko na ng simpleng buhay. gusto ko na ng panahon para sa sarili ko. gusto kong trabahong normal. kasi naiisip ko, pareho lang ang sinasahod namin ng mga kasama ko sa bahay pero iyung buhay ko, ibang-iba. bad trip talaga... pero sigurado namang kapag umalis ako sa ganitong trabaho, sobrang mami-miss ko ito... di ko na talaga alam...di ko maintindihan ang sarili ko... di ko alam kung iyung tipo ng show ang inaayawan ko o iyung mismong ganitong trabaho... bwiset talaga. ano bang gusto ko sa buhay ko? ano bang gusto ni God sa buhay ko? hay... kailan kaya ako magkaka-girlfriend?

posted by topeps, 12/02/03 21:27 | link | comments (6)